(Mis) Adventures of Pennis I

6:34 a.m. — ika-limang buwan ng taon, dekada sitenta.

Isinilang ang isang lalaking sanggol na may timbang na na 6 lbs. and 4 oz..  Hindi kinakitaan ng kahit anong kakaibang signos na tila magbabadya na ang nilalang na ito ay makakapagpabago ng kasaysayan ng mundo…eh pano naman kasi wala lang, normal eh…

So ayun, tuwang-tuwa ang mga magulang ng sanggol na ito na biglang um-epal sa mundong ibabaw…pero pangatlo na siya sa magkakapatid…in fairness bunso, so feeling special naman siya.

Sa pagkakalabas sa ospital ng batang ito, kasama rin ang sandamakmak na pangarap at pag-asa ng kanyang mga magulang, na balang araw siya ay magiging kilala sa mundong kanyang ginagalawan, at maaaring sa labas pa nito.

Tila inulan ng grasya ang bayan ng San Andres sa pagdating ng nilalang na ‘di binyagan at walang pangalan.  Sa isang maliit na tahanan nagsama-sama ang buong pamilya, pinagmamasdan ang bagong biyayang dumating sa kanilang buhay.  Kasama ng mga malalambing na titig ay ang mga katanungang pilit na naghahanap ng kasagutan…

…anong oras ba gigising ito?!

…malakas kaya sa gatas ito?

…paano na ang gastusin?

(may mas mahalaga pa naman kesa dito, pero c’mon let’s be realistic!)

Sa dinami-dami ng mga katanungan, wala nang mas mahalaga pa sa mga ito…

…ano ang ipapangalan sa kanya!?

…may pera bang pang-binyag!?

Sa mga katanungang nabanggit, isa-isa itong hinanapan ng karampatang kasagutan…ang pang-binyag ay uutangin (common tendency noh! poor kasi sila…), ngunit pagdating sa pangalan, sila ay nahirapan…naguluhan…nahiwagaan…hanggang sa nabuo ang iisang paniniwala…na ang pangalang dapat ibigay sa sanggol na wala pang kamuang-muang at kamalay-malay ay walang iba kundi…

(Drumroll muna para suspense…) Brrrrrrrrrrrrr……

PENNIS!!!!!!!!

Kaninong chronicle ba ito?! Duh…

At dito magsisimula ang kanyang paglalakbay sa mundong…sa mundong…wala lang…anyway, ilang sanggol ba ang pinapanganak every minute ‘di ba?

Subaybayan ang kanyang kasaysayan….

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.